10:30 a.m. Kagigising ko lang. Pasok sa banyo. Gusto ko nang tumae. Bad trip. kapiranggot lang ang tinae ko.
11:00 a.m. Sumasakit na naman tyan ko. Pasok uli sa banyo. Success! Nakaraos din.
11:10 a.m. Kumuha ako ng almusal ko. Kailangan kumain nang sapat para kay baby. Teka lang, ba't parang 'di na nawala sakit ng tyan ko? Sige, kain lang ulit.
11:30 a.m. Grabe na ito, masakit pa rin ang tyan ko! Sinubukan ko ulit tumae pero wala na akong mailabas. Baka naman manganganak na 'ko? Sabi ni papa ganun lang daw talaga. Baka malapit na daw pero hindi pa siguro ngayon. Hinintay ko na lang mawala ang sakit.
12:30 p.m. Hindi naman nawawala ang sakit eh! Humiga ako sa sofa at tiniis ang sakit. Parang major dysmenorrhea na sinabayan ng diarrhea.
2:30 p.m. Aba, tangina! Kanina pa to ah, ba't di na lumipas ang sakit?? Pasok uli ako sa CR at natakot nang makitang may lumabas na dugo. Sabi sa nabasa ko 'pag lumabas na yung 'bloody show' manganganak na within 72 hours. So akala ko naman after 3 days pa ako bago manganak. Tsaka after 1 week pa naman ang due date ko. Hinayaan ko na lang ulit.
3:00 p.m. Pinilit kong kumain ng lunch.
3:30 p.m. Ayoko na! 'Di ko na kinaya ang sakit kaya tinawagan ko na ang OB ko. Napagkamalan nya na ibang pasyente ako kaya sinabihan nya akong bumili ng pampakapit. Ano ba 'yun, kabuwanan ko na iinom pa 'ko ng pampakapit.
4:00 p.m. Base sa huli naming napag-usapan ng OB ko, pumunta ako sa AU Labor Room. Check-up lang daw. Titignan kung ok kami ni baby.
5:30 p.m. Aba, lecheng duktor! Namimilipit na 'ko sa sakit hindi pa rin dumarating!
6:30 p.m. Inabutan ako ng OB ko na nakahiga na at naka-ECG. Tsinek nya ang urinalysis ko. Ok na, wala na akong infection. Tapos tsinek nya ang cervix ko. Hindi ko alam kung good news o bad news pero 6 cm na daw ang opening ng cervix ko. Ibig sabihin 4 cm na lang manganganak na ako. Pina-admit na ako.
7:30 p.m. Dumating na sa wakas ang magtuturok ng anesthesia. Epidural ang pinili ko para painless ang labor. Pero painful pala ang pagturok, sa spine kasi. Tahimik akong umiyak at humikbi habamg tinutusok ang anesthesia. Dialogue ng nurse: "Tama na, malapit na matapos si doc..." Parang bata ang kausap.
9:00 p.m. Pinasok na ako sa delivery room. Inayos ang posisyon ko at maya-maya pinapairi na ako. Whew! Bagamat naka-anesthesia at hanggang pwet na ang hiwa, mahirap pa rin palang maglabas ng bata. Muntik na akong maubusan ng hininga.
9:43 p.m. Welcome to the world Kurt Isaiah! 'Di ko maintindihan kung ano ang naramdaman ko nung makita ko ang baby ko. 'Di ako makapaniwala na mommy na nga ako... Pero nakakapagod lang talagang manganak ha!