JuLiE
Tinanong ko si Allen (kapatid ko na 7 years old) kung sya ba pinakagwapo sa klase nila. Pa-humble pa, sagot sa 'kin, "Ewan ko..."

Inusisa ko kung ano sa tingin nya. Aba! Lumabas din ang pagkakupal! Sagot ba naman sa 'kin, "Oo siguro kasi yung isa kong kaklase mukhang saging. Flat na flat 'yung mukha nya tapos ang haba ng baba. Tapos pati ulo nya mahaba din. Mukha talaga syang saging! Tawag ko nga dun minsan, 'Hoy saging!'"

Syempre ako tawa lang nang tawa. Hindi ko matanto kung bakit ganun sya kakupal! And wait! Hindi pa pala tapos ang kwento nya tungkol sa kaklase nyang mukang saging. Sabi pa nya, "Tapos Ate Jul may dalawa syang nunal sa mukha. Ung isa patay. Ung isa buhay, lumalaki, nakakadiri!"

Siguro 'pag pumapasok sa school si Allen nakaka-imagine sya ng palengke kasi 'yung isa naman daw mukhang pakwan. Ang taba-taba at ang bilog-bilog daw ng mukha tapos ang kapal ng labi. Hay, buti na lang hindi ako napaanak sa kakatawa!

On second thought, farm ata ang naiimagine nya. Pati teacher nya walang kawala. Ang laki daw ng tyan at ang ikli ng kamay, mukhang duck. Hanep sa imagination, ano po?

Kinumusta ko naman 'yung kinikwento nya dati na crush nya (take note: nag-diet pa sya dati para pansinin sya nung crush nyang yun). Di na daw nya crush. Tapos may naalala na naman sya na kaklase nyang babae. Bumbay daw. Pagkasabi pa lang nya na bumbay 'yung classmate nya, tawa na sya nang tawa! 'Yung classmate daw nya na 'yon ay may kuyang bumbay at mommy na bumbay (malamang!). 'Yung kuya daw ang tulis-tulis ng ilong (sabay tawa) at 'yung mommy nakapang-desert. Hahaha! Grabe racism na ito! Pero 'di ko makuhang magalit kasi nakakatawa talaga syang mgkwento! Tinanong ko sya kung may friends ba 'yung bumbay, "Wala, teacher lang! (sabay tawa na naman)."

Kinabukasan may developments sa kwento nya tungkol sa bumbay. Inaasar daw nila, "One, two, three bumbay! One, two, three bumbay!" Bakit kaya feeling ko pasimuno kapatid ko sa pang-aasar??

Sabi ni Jen sa kanya, "'Wag nyo na asarin 'yung bumbay, bad 'yon. Ikaw ba gusto mong tawagin kang Intsik?" Sagot ni Allen, "Ok lang intsik naman ako." Jen: "Bumbay naman sya." Allen: "Eh bat sya naiinis?" Hehehe! Jen, mali naman analogy mo eh..

2 Responses
  1. tin-tin Says:

    hahaha. kupal nga ng kapatid mo. buti na lang at gwapo nga tlga sya. hehee


  2. JuLiE Says:

    ganyan talaga, nasa lahi na ang pagiging gwapo at maganda.. at pagiging kupal? hinde ah!