7:30 a.m. Mag-aalarm na ang phone mo. Oras na para gumising kahit hindi pa umaabot ng 8 hours ang tulog mo. Ipagluluto mo pa kasi ng baon at almusal ang asawa mo. Ok lang basta para naman sa asawa mo =)
7:40 a.m. Babangon ka na matapos umextend ng 10 minutes. Magtu-toothbrush muna tapos magluluto na. Medyo bangag ka pa.
9:00 a.m. Ihahatid mo na sa pintuan ang asawa mong papunta sa opisina. Paglabas nya ng pinto mapapakanta ka na lang ng "Alone again... naturally".
9:05 a.m. Dahil inaantok ka pa at kailangan nyo ng baby mo ng sapat na tulog, iidlip ka uli.
11:30 a.m. Medyo napatagal ang pag-idlip mo pero inaantok ka pa rin. Kaso kailangan nang bumangon dahil sasakit na ang ulo mo kapag natulog ka pa uli.
11:35 a.m. Magsa-sign in ka muna sa ym. Titignan kung online na rin ang asawa mo. Magche-check ng email. Pati friendster na rin.
11:50 a.m. Magugutom ka na. Maghahanda ka ng almusal kahit oras na ng tanghalian.
12:00 n.n. Yayayain ka na mag-lunch ng asawa mo. Pero kumakain ka pa rin ng almusal.
12:05 p.m. Makakachat mo ang mga dati mong mga kaopisina. Lunch break na kasi. Di naman madalas maglunch out ang mga yun.
1:00 p.m. Wala ka naman magawa kaya gagawa ka na lang ng entry sa blog mo.
1:30 p.m. Tapos ka na mag-post ng entry sa blog mo. Wala ka na naman magawa kaya mgbabasa ka na lang ng balita. Ano na ba nangyayari sa Pinas?
Wala na namang bago. Jueteng issue pa rin ang binabalita. Nagpapakabibo ang gobyerno sa pagsugpo kuno sa jueteng. Trying hard panindigan na walang kinalaman si Mike at Mikey sa isyung ito. Wala nga ba? Sa kasagsagan ng isyu e naisipan ni pareng Mike na pumunta sa Singapore (uy, dito yun!). Discreet pa ang paglabas nya ng bansa. Iwas sa reporters. Pero hindi pa naman napapatunayan kaya innocent pa rin sila (mukha nyo).
A eto may bago. Makakatanggap daw ng dagdag na P20 na COLA ang mga manggagawa sa Region 3 at CAR. Ayos. May pandagdag na sila sa babayaran nilang dagdag na VAT. Makatao talaga ang gobyerno. Sabi ni Lagunzad ng NWPC na mae-encourage daw ang mga businesses na maging mas productive dahil sa dagdag na pasweldo. Ibig sabihin: alipinin nang husto ang mga manggagawa.
Speaking of VAT, tuwang-tuwa naman itong si World Bank sa naaprubahang dagdag na VAT. Aba'y dapat lang. Para sa kanya naman yun eh. Di bale nang mamatay sa gutom ang sambayanan...
Sa local news naman, public land daw ang Boracay kaya hindi ito pag-aari ng resort owners. Right to occupy lang ang binabayaran nila (na umaabot ng 20k-30k per sqm). Sabi ni Sec. Mike Defensor ang pagtititulo daw ng lupa ang solusyon para maensure ang business stability sa Boracay at para mag-encourage pa ng investors. E papano naman kaya ang mga locals na matagal nang naninirahan dun at nagbabayad ng tax. Di bale nang mawalan sila ng lupa basta may titulo ang investors. Wag ka na magtaka, ganun talaga.
2:30 p.m. Magsasawa ka na sa balita at mararamdaman mong gutom ka na uli. Kaya manananghalian ka na =)
3:00 p.m. Mahihirapan kang huminga dahil sa busog kaya bababa ka muna para maglakad-lakad. Maiinggit ka sa mga nagsi-swimming kaya maiisipan mong magswimming din. Para may exercise ka naman. Kaya lang magbabago ang isip mo dahil maiisip mo na malungkot magswimming mag-isa (sana weekend na lang para kasabay mong magswimming ang asawa mo). Isa pa, mukha ka nang dugong sa laki ng tyan mo.. e midrib pa naman ang swimsuit mo.
3:30 p.m. Aakyat ka na lang uli. Magdedefrost ng lulutuin mo. Manonood ng tv. Kaso walang mapanood. Gusto mo sana magvaccum ng buong bahay kaso tinatamad ka. Uupo ka uli sa tapat ng pc. Makikipagchat ka sa mga makukulit mong ex-kaopisina. Hahagap ng chismis.
4:00 p.m. Maliligo ka na nga pala. Mainit.
4:30 p.m. Maaalala mo na kailangan mo pa pala i-edit ang mga pictures na ipapaprint nyo. May 250 free prints kasi kayo sa kodak. Maiinis ka dahil ang dami. Sana 50 na lang para 50 lang ang i-e-edit mo.
6:00 p.m. Magsasawa ka na mag-edit at sasakit na ang likod mo dahil ang tagal mo nang nakaupo sa harap ng pc. Magluluto ka na.
7:00 p.m. Maeexcite ka na dahil malapit na umuwi asawa mo =)
7:30 p.m. Kaso OT pala sya ngayon =(
7:40 p.m. Wala ka na naman magawa kaya mgbabasa ka na lang ng e-book na matagal mo nang binabasa't hindi mo pa rin natatapos.
8:30 p.m. Magsasawa ka na magbasa at maiisipan mong gumawa uli ng isa pang entry sa blog mo.
9:00 p.m. Wala pa rin ang asawa mo pero pauwi na raw sya. Maghahain ka na dahil tiyak na gutom na yun pagdating nya.
9:30 p.m. Ayan, nandyan na sya! Magdi-dinner na kayo habang nanonood ng tv.
10:15 p.m. Maglalakad-lakad kayo para magpatunaw ng kinain. Kwentuhan. Balitaan.
10:45 p.m. Papasok na kayo ng kwarto. Magpapahinga. Kwentuhan. Harutan. Maiinis ka dahil nilalait ng asawa mo ang dati mong crush. Mayayabangan ka sa kanya. Maiinis ka dahil masakit ang balakang, likod, legs, dibdib at binti mo dahil buntis ka tapos hinaharot ka pa. Maiinis ka dahil pnromise sayo na imamasahe nya ang masakit mong likod kaso tinulugan ka naman. Maiisip mo na pagod nga pala sya sa trabaho. Kaya hahayaan mo na lang syang matulog (wala ka rin naman magagawa).
12:50 a.m. Hindi ka pa rin inaantok kaya mag-iinternet ka na lang uli.
1:00 a.m. Sasakit na naman ang likod mo kaya hihiga ka na at pipiliting makatulog.