JuLiE
Kung hindi ko lang iniisip ang pagtitipid, mas gugustuhin ko nang bumili ng chicken in special cuts. Yung tipong legs lang o breast lng o wings lang. Pero dahil mas mura ang whole chicken, yun ang binibili namin kapag nagrogrocery kami.

Dati ay wala pa akong kaalam-alam kung pano maghiwa ng manok (palibhasa baguhan ako sa kusina). At medyo natatakot ako (o nandidiri) dahil ang whole chicken dito sa Singapore ay, wag ka, kasama pati ulo at paa! O diba? Paano kung tukain ako nun?!

Sabi ng asawa ko madali lang maghiwa ng manok. Hiwain muna ang ulo, leeg, tpos legs at wings. Huwag kakalimutan ihiwalay ang paa ng manok sa legs. At syempre tanggalin ang kuko sa paa. Sino nga ba naman ang matutuwang pumapak ng paa ng manok na may kuko pa? Kapag fully mutilated na ang manok pwede na hiwain sa gitna. Ihihiwalay ang pitso sa, um, ribs. tpos pwede na hiwain ito sa kng gaano kaliit o kalaki mo gusto. Sisiw lang pala e!

Pero hindi pala ganun kadali lalo na kapag daig pa ng cutter ang kutsilyong gamit mo. Sinunod ko naman ang sinabi sakin pero nang matapos ako ay nagmistulang binaboy ang manok ko. Nakakalungkot.

Ang natutunan ko sa karanasan sa paghiwa ng manok, bukod sa paggamit ng matalim na kutsilyo, ay dapat alam mo ang anatomy nito. Dapat alam mo kng saan ang joint na naghihiwalay sa wings at katawan, o kung hanggang saan ang buto ng leeg.. para hndi ka mahirapan sa paghiwa. At syempre, isa pang natutunan ko ay kahit ano pang pambababoy ang ginawa mo sa manok, hindi rin naman ito mahahalata pag luto na. ;)
0 Responses