JuLiE
Magka-chat kami kaninang umaga ng kaibigan ko. Nakwento nya na pupunta dito sa Singapore yung ex nya (uy friends pa rin sila!). Tinanong nya kung may gusto akong ipabili. Hmmm... konti lang naman:

1. Ensaymada ng Muhlach;
2. Polvoron, Brownies, at Pastillas de Leche ng Goldilocks;
3. Cheez Whiz (malaki) - basta gusto ko Cheez Whiz, ayoko ng iba!;
4. Tender Juicy Hotdog - chicken/beef franks lang ang meron dito;
5. Sinigang Flavored Mix - mahal kasi dito un, dupang yung mga pinoy na nagbebenta;
6. Ludy's Peanut Butter - gusto ko matuto kung pano magluto ng kare-kare;
7. Puto, Kuchinta, Suman - yummy almusal!;
8. Tuyo/Danggit - mmmm... sarap with scrambled eggs!;
9. Fish Tocino ng Capiz;
10. Itlog na maalat;
11. Chicharon ng Bulacan;
12. Mochi ng Pampanga;
13. Longganisa at Tocino ng Pampanga's Best;
14. Isang kaing ng Mangga - 'di masarap mangga dito, lasang gamot!;
15. Dried Manggoes ng Cebu;
16. Graham Crackers;
17. Marang - wala pa ko nakita dito nun, pero durian marami;
18. Pastel ng Camiguin - peyborit!;
19. Sebo de Macho - would you believe, S$3 (P150) dito yun?! E bente pesos lang kaya yun!;
20. Green Papaya Soap - haha! magpaputi ba?!;
21. Bagoong ng Barrio Fiesta;
22. Pan de Sal;
23. Cheese Bread;
24. Strawberry Jam ng Good Shepherd's; at syempre
25. Winston Lights na blue - para kay Onac =)

Ayan, konti lang naman. Hindi naman siguro nakakahiya noh? =)
2 Responses
  1. Anonymous Says:

    Uy nainspire naman ako sa Blog mo... parang gusto ko na rin magstart ng sarili kong blog. hehe.

    Hmm.. di naman masyadong marami yan noh? But true! Miss ko na rin yung ibang bagay at food na nasa Pinas na wala sa ibang bansa. Well kung meron man dito eh ginto na ang presyo! Miss ko na yung mangga sa atin. Ang pangit din ng lasa ng mangga dito sa States! Dati pa naman pag ganitong time eh siguradong maraming mangga sa bahay at madalas nabubulok na lang yung iba sa sobrang dami. Waah homesick na rin ako sobra. Nakakabobo na nga dito sa sobrang walang magawa. Tara uwi na tayo!!!


  2. Anonymous Says:

    dali gawa ka na rin! hehe =)

    gusto ko na umuwi kaso asawa ko naman mamimiss ko pag umuwi ako. kakainis!!!